Dalawang satellites, inilunsad ng Tsina sa pamamagitan ng offshore pad

2022-10-08 16:11:13  CMG
Share with:


Matagumpay na inilunsad nitong Biyernes, Oktubre 7, 2022 ng Tsina ang dalawang test satellites, gamit ang Long March-11 carrier rocket, mula sa isang plataporma ng paglulunsad sa Yellow Sea.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng paglulunsad ng Long March-11 gamit ang nearshore platform na tatlong kilometro ang layo mula sa baybayin.

 

Ito ang ika-441 misyon ng Long March series rockets.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac