Kooperasyon sa iba’t ibang larangan, magkasamang isusulong ng Tsina’t EU

2022-10-13 16:04:17  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagtutol sa “decoupling” na inihayag kamakailan ni Olaf Scholz, Chancellor ng Alemanya, at mga opisyal ng Unyong Europeo (EU), ipinahayag Oktubre 12, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang papuri sa naturang pahayag.

 


Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng EU, para magkasamang pasulungin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan upang matamo ang mas malaking pag-unlad at idulot ang mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Sinabi ni Mao na suportado rin ng Tsina ang globalisasyon at tutol ito sa “decoupling.”

 

Ang pagbubukas, pagtutulungan at pagpapabuti ng ugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ay hindi lamang mabuti sa Tsina at EU, kundin mainam din sa pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig, saad niya.

 

Ang Tsina at EU ay mahalagang magkapartner sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

 

Mula Enero hanggang Agosto 2022, umabot sa $USD575.22 bilyon ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig.

 

Ito ay lumaki ng 8.8% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, lumaki rin ng mahigit 120% ang pamumuhunan ng EU sa Tsina sa nasabing mga buwan kumpara sa gayunding panahon ng 2021.

 

Ang kooperasyon sa pamumuhunan, kabuhayan at kalakalan sa pagitan ng Tsina at EU ay nagkakaloob ng aktibong puwersa para sa pag-unlad ng dalawang panig, saad ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio