Idinaos ngayong hapon, Oktubre 15, 2022, sa Beijing, ang unang pulong ng presidium ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Dumalo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina.
Nabuo sa pulong ang pirmihang komite ng naturang presidium na may 46 na miyembrong kinabibilangan ni Xi Jinping.
Pinagtibay din ang ulat tungkol sa pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga kinatawan sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Ayon sa ulat, ang paghalal ng naturang mga kinatawan ay batay sa Konstitusyon ng CPC, angkop sa prinsipyo ng demokrasya sa loob ng partido, at alinsunod sa mga regulasyon at prosidyur ng halalan.
Anang ulat, 99.5% ng mahigit sa 96 na milyong miyembro ng partido ang nagboto sa halalan, at inikober ng mga pangunahing media ang kalagayan ng paghalal.
Dagdag ng ulat, ang mga kinatawan ay pawang namumukod na miyembro ng CPC, at nagkakaroon sila ng malawak na pagkakatawan.
Ayon pa rin sa ulat, inanyayahan ng Komite Sentral ng CPC ang 83 espesyal na kinatawan sa kasalukuyang kongreso, at pareho ang kanilang mga karapatan sa mga nahalal na kinatawan.
Editor: Liu Kai