Kuru-kuro ng mga di-komunista hinggil sa ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso, pinakinggan sa pulong ng Komite Sentral ng CPC

2022-10-13 15:41:24  CMG
Share with:

Idinaos Agosto 31, 2022 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang talakayan ng mga di-komunista, para pakinggan ang kuru-kuro’t mungkahi ng mga iba’t ibang demokratikong partido, namamahalang tauhan ng All-China Federation of Industry and Commerce, at mga personaheng walang kinaaanibang partido hinggil sa ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Nangulo at nagtalumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng bansa.

 

Diin niya, dapat palakasin ng CPC at mga demokratikong partido ang kooperasyon, pagtipun-tipunin sa pinakamalaking digri ang katalinuhan at puwersa ng iba’t ibang sangay ng lipunan, at magkasamang magpunyagi para sa komprehensibong pagtatatag ng sosyalista’t modernong bansa at pagpapasulong ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Umaasa aniya siyang malayang isusumite ng mga di-komunista ang kani-kanilang pananaw tungkol sa naturang ulat.

 

Ipinalalagay naman ng mga di-komunista na ipinakikita ng naturang ulat ang mga bagong kaisipan, estratehiya at hakbangin, at nagbibigay ito ng patnubay para sa pagtatatag ng sosyalista’t modernong Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio