Pulong na preparatoryo ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, idinaos

2022-10-15 19:55:30  CMG
Share with:

 

Idinaos ngayong hapon, Oktubre 15, 2022, sa Beijing, ang pulong na preparatoryo ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina.

 

Sa pulong na ito, nabuo ang 22-miyembrong komite ng pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga kinatawan sa kongreso, at 243-miyembrong presidium ng kongreso.

 


Inaprobahan din ang adiyenda ng kongreso. Kabilang sa mga adiyenda ay pagdinig at pagsusuri sa ulat hinggil sa mga gawain ng ika-19 na Komite Sentral ng CPC, pagsusuri sa ulat hinggil sa mga gawain ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection ng CPC, pagsusuri at pagpapatibay ng rebisadong Konstitusyon ng CPC, at paghalal sa mga bagong miyembro ng ika-20 Komite Sentral at ika-20 Central Commission for Discipline Inspection.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos