Bubuksan sa Oktubre 16 at ipipinid sa Oktubre 22, 2022, ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ito ay ipinatalastas ni Tagapagsalita Sun Yeli ng kongresong ito sa preskong idinaos ngayong araw, Oktubre 15.
Ayon pa rin kay Sun, 2,296 ang bilang ng mga kinatawan sa kasalukuyang kongreso, at lalahok sila sa kongreso sa ngalan ng mahigit sa 4.9 na milyong organisasyon ng CPC sa pinagsasaligang lebel at mahigit sa 96 na milyong miyembro ng partido.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, natapos na ang iba’t ibang preparasyon para sa kongreso, at handang handa ito para sa pagdaraos.
Ang CPC ay naghaharing partido ng Tsina. Ang pambansang kongreso na idinaraos kada limang taon at ang Komite Sentral na inihahalal sa kongreso ay ang kataas-taasang pamunuan ng CPC.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos