Komite Sentral ng mga partido ng Hilagang Korea, Biyetnam, Laos, at Cuba, bumati ng pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC

2022-10-17 16:46:39  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na ipinadala ng mga Komite Sentral ng Korean Workers (KWP) Party, Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), Lao People's Revolutionary Party (LPRP), at Partido Komunista ng Cuba, ang mensaheng pambati sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) kaugnay ng matagumpay na pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Ipinahayag ng KWP, na ang pagdaraos ng kongresong ito ay tiyak na magiging makasaysayan.

 

Sa ilalim ng pamumuno ng CPC, walang humpay na magsisikap ang mga mamamayang para isakatuparan ang dakilang pagbangon ng Nasyong Tsino, dagdag ng KWP.

 

Ipinahayag naman ng CPV na nananalig itong mailalahad sa naturang kongreso ang mga mahalagang patakaran para matukoy ang tumpak na direksyon ng pag-unlad upang maabot ang mga target ng Tsina.

 

Ipinahayag ng LPRP na ang historikal na bungang natamo ng CPC at mga mamamayang Tsino ay nagkaloob ng karanasan sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Laos, at ito rin ay nagbigay ng ambag sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Samantala, pinapurihan ng Partido Komunista ng Cuba ang Tsina sa pananangan nito sa positibong patakarang diplomatiko, at pagsusulong ng “Belt and Road Initiative (BRI),” Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative (GSI).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio