Sa ikalawang preskong idinaos nitong Oktubre 17, 2022, ng Press Center ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Xiao Pei, Pangalawang Puno ng Sentral na Komisyon para sa Pagsusuri ng Disiplina (CCDI) ng CPC at Pangalawang Puno ng National Supervisory Commission, na dapat buong tatag na labanan ang korupsyon, at pabutihin ang sistema upang maiwasan ang korupsyon, para matamo ang mas marami at mas malaking bunga sa paglaban sa korupsyon.
Ipinahayag din ni Xiao na ayon sa resulta ng isang survey sa taong ito, ipinalalagay ng 97.4% ng mga mamamayang Tsino na epektibo ang komprehensibo at mahigpit na pamamahala sa loob ng CPC, na lumaki ng 22.4% kumpara sa taong 2012.
Ipinahayag din ng 99% mamamayang Tsino na ang mga hakbangin sa paglaban sa korupsyon ng Komite Sentral ng CPC ay nagpakita ng diwa ng pagreporma sa sarili ng CPC, sinabi pa ni Xiao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac