Nakatawag ng maraming pansin mula sa komunidad ng daigdig ang ginawang ulat ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, Linggo, Oktubre 16, 2022.
Tinukoy ng mga personahe mula sa Laos, Indonesia, Thailand at iba pang bansa na komprehensibong nilagom ng naturang ulat ang mahahalagang tagumpay at karanasan ng Tsina sa reporma at pagbubukas, at ginawa ang plano sa mga usapin ng partido at bansa, sa estratehiko’t pangkalahatang anggulo.
Nananalig silang sa pamamagitan ng bagong sigasig, tiyak na makakamtan ng CPC ang bagong dakilang tagumpay, pamumunuan ang mga mamamayan upang isulat ang bagong kabanata sa biyahe ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalista’t modernong bansa, at mapapa-usbong ang bagong lakas-panulak tungo sa pagkakapit-bisig ng lahat ng mamamayan ng mundo tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio