Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Haiti nitong Lunes, Oktubre 17, 2022 , inihayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang suporta ng panig Tsino sa pagpapataw ng UNSC ng sangsyon laban sa mga miyembro ng gangs ng Haiti at mga tagasuporta nila.
Saad ni Geng, ang pagsugpo sa mga gang ng Haiti ay pagsisimula ng pagpapabuti ng kalagayan sa Haiti, at paunang kondisyon din para sa saligang pagresolba sa isyu ng Haiti.
Sinusuportahan aniya ng panig Tsino ang pagpapataw ng UNSC ng mga espesipikong sangsyon laban sa mga miyembro ng gangs at tagasuporta nila na gaya ng travel ban, pag-freeze ng assets at arms embargo.
Umaasang magiging mabisa ang naturang mga sangsyon, at magpapatingkad ng papel para sa pagpigil sa mga gang at paglaganap ng marahas na krimen, at pagputol sa pinanggagalingan ng pondo at sandata ng mga gang, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac