Sugong Tsino: Walang sinuman ang may karapatan sa pagbeto sa isyung may kinalaman sa kapalaran ng mga Palestino

2022-09-29 16:12:38  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Palestina nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa isyung may kinalaman sa kapalaran ng mga mamamayang Palestino, walang sinuman ang may karapatan sa pagbeto.

 

Saad ni Zhang, ang komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang pagresolba sa isyu ng Palestina sa lalong madaling panahon ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig.

 

Aniya, isinasabalikat ng UNSC ang paunang responsibilidad ng pagtatanggol sa kapayapaan at seguridad ng daigdig, kaya dapat isagawa ang mas positibo’t mabisang aksyon, upang suportahan ang paggamit ng mga mamamayang Palestino ng di-maipagkakait na karapatan, at isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa Gitnang Silangan.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, na magpunyagi para pasulungin ang pagganap ng UNSC ng kinakailangang papel, resolbahin ang kasalukuyang deadlock, at isakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel at pangmatalagang kapayapaan sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac