CMG Komentaryo: “Buong-prosesong Demokrasyang Bayan,” garantiya sa sarilinang pagpapasya ng mga Tsino

2022-10-19 17:44:34  CMG
Share with:

Sa kanyang ulat sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Oktubre 16, 2022, komprehensibong inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang katangian at bentahe ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan.

 

Ito aniya ay patnubay sa pagpapaunlad ng Tsina ng sosyalistang demokrasya sa makabagong panahon.

 

Nagbukas din ito ng bintana upang ma-obserbahan ng komunidad ng daigdig ang kalidad ng demokrasya sa Tsina, dagdag niya.

 

Ang Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ay dakilang likha ng CPC sa proseso ng pamumuno sa mga mamamayan.

 

Layon nitong paunlarin at isakatuparan ang tunay na demokrasya.

 

Ang esensya nito ay sosyalistang demokrasya, samantalang ang pangunahing entidad na magtatamasa ng nasabing demokrasya ay Sambayanang Tsino.



Sa ilalim ng ganitong modelo, maaaring mapakinggan ang pananaw ng mga mamamayan at ipakita ang mithiin ng mga mamamayan sa iba’t ibang elementong gaya ng buhay pampulitika at panlipunan ng bansa, sa pamamagitan ng buong-prosesong demokratikong halalan, demokratikong konsultasyon, demokratikong pagpapasya, demokratikong pangangasiwa, at demokratikong pagsusuperbisa.

 

Dahil sa modelong ito, maaaring tunay na sarilinang magpasya ang mga Tsino.

 

Nitong nakalipas na 10 taon, sa proseso ng pagresolba sa isyu ng ganap karalitaan, komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan, pagsisimula ng bagong biyahe sa komprehensibong pagtatayo ng sosyalista’t modernong bansa, at pagtungo sa target na komong kasaganaan; ipinakikita ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ang malakas na kasiglahan.

 

Dibersipikado ang mundo, at hindi kailanman maaaring iisa lamang ang modelo ng demokrasya.

 

Ang demokratikong sistema ay kailangang pinakamapagkakatiwalaan at pinakamabisa, na nababatay sa aktuwal na kalagayan ng isang bansa.

Sa makabagong biyahe ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalista’t modernong bansa, patuloy na pauunlarin ng CPC ang Buong-prosesong Demokrasyang Bayan, igagarantiya ang sarilinang pagpapasya ng mga mamamayan, at mag-aambag ang Tsina para sa pagpapayaman ng sibilisasyong pulitikal ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio