Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Beijing noong Oktubre 16, 2022, maliwanag na inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, ang estratehikong plano, mahalagang katangian at esensya ng modernisasyong may istilong Tsino.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Xi na kabilang sa mga elemento ng modernisasyong may istilong Tsino ay pamumuno ng CPC, pagkaroon ng mga komong katangian ng modernisasyon ng ibang mga bansa, angkop sa aktuwal na kalagayan ng Tsina, magkasamang pagyaman ng mga mamamayang Tsino, maharmonyang pag-unlad ng sangkatauhan at kalikasan, at pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Sa madaling salita, ang nukleong diwa ng modernisasyong may istilong Tsino ay pagtalaga ng mamamayan sa nukleong puwesto ng pag-unlad.
Ang mga natamong bunga ng Tsina sa iba’t ibang larangan sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2012 ay nagmula sa mga praktika ng Tsina sa konstruksyon ng modernisasyon. Ito rin ay nagbigay ng mahalagang ambag para sa modernisasyon ng buong sangkatauhan.
Ang modernisasyon ay hindi nabibilang sa mga kanluraning bansa lamang. Ang bawat bansa ay maaring hanapin ang landas patungo sa modernisasyon na angkop sa sariling pambansang kalagayan.
Sa landas patungo sa modernisasyon, palagiang iginigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad sa halip ng ideyang “clash of civilizations” ng mga kanluraning bansa.
Sa katotohanan, walang iisang paraan ng modernisasyon ang angkop sa kalagayan ng lahat ng mga bansa ng buong daigdig.
Sa kasalukuyan, umuunlad ang Tsina sa landas patungo sa modernisasyon at ang paraan ng Tsina ay nagiging bagong pagpili sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng buong sangkatauhan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac