Op-Ed: Modernisasyong may istilong Tsino, magdudulot ng mga pakinabang sa daigdig

2022-10-18 23:23:46  CMG
Share with:

Sa kanyang ulat sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), iniharap ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, ang konsepto ng modernisasyong may istilong Tsino.

 

Ito ay hindi lamang landas ng Tsina tungo sa modernisasyon, kundi magdudulot din ng mga pakinabang sa daigdig.

 

Halimbawa, para isakatuparan ang modernisasyon, ini-ahon ng Tsina ang halos 800 milyong mamamayan mula sa karalitaan, at nalutas ang isyu ng ganap na karalitaan sa bansa. Sa pamamagitan nito, nakalap ng Tsina ang maraming karanasan sa pagpawi ng karalitaan, at ibinabahagi ang mga karanasang ito sa ibang mga bansa. Ito ay makakatulong sa pagbabawas ng karalitaan sa buong daigdig.

 

Ang yamang pakikinabangan ng lahat naman ay isa sa mga target ng modernisasyong may istilong Tsino. Ito ay target hindi lamang para sa mga Tsino, kundi para sa lahat ng mga tao sa daigdig din. Para maisakatuparan ang target na ito, isinasagawa ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas. Ibinebenta ng Tsina ang mga produkto sa daigdig, at binibili rin ang mga paninda mula sa iba’t ibang bansa. Ang global village ay naging napakalaking supermarket, at kumikita mula rito ang lahat.

 

Ang modernisasyong may istilong Tsino ay magdudulot din ng pakinabang sa ekolohiya. Iniharap ng lider Tsino ang ideyang “ang malinaw na katubigan at luntiang kabundukan ay kasinghalaga ng bundok ng ginto at pilak,” at paulit-ulit ding binibigyang-diin na hindi dapat isakatuparan ang pag-unlad ng Tsina kapalit ang pag-abuso sa mga yaman at pagsira sa kapaligiran at kalikasan. Ang harmonya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan ay isang saligang kahilingan sa modernisasyong may istilong Tsino, at nakahanda rin ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t ibang bansa para sa isang malinis at magandang mundo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos