Ipinahayag Oktubre 18, 2022 ni Dmitry Medvedev, Pangalawang Pangulo ng Konsehong Panseguridad ng Rusya, na posibleng maging “walang limitasyon” ang tagal ng mga sangsyong ipinapataw sa Rusya, kaya dapat sanayin ng bansa ang mga talento.
Sa kabilang banda, ipinahayag ni Denys Shmyhal, Punong Ministro ng Ukraine na 2 bilyong Euro na tulong pinansyal ang natanggap ng bansa mula sa Unyong Europeo (EU).
Ito aniya ay gagamitin bilang pangkagipitang badyet para sa lipunan, humanitaryo, at iba pang larangan.
Ayon naman kay Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine, sa kasalukuyan ay walang posibilidad na magkaroon ng talastasan sa pagitan ng Ukraine at Rusya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio