Ikalawang pulong ng Presidium ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, pinanguluhan ni Xi Jinping

2022-10-19 17:09:41  CMG
Share with:

Oktubre 18, 2022, Great Hall of the People, Beijing – Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa ang Ikalawang Pulong ng Presidium ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa ang Ikalawang Pulong ng Presidium ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC/Xinhua


Sa pulong, ang mga panukalang resolusyon sa ulat ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, ulat ng gawain ng Ika-19 Sentral na Komisyon sa Inspeksyon ng Disiplina, at isang panukalang pagsusog sa Konstitusyon ng Partido ay inaprubahan para isumite sa lahat ng delegasyon ng kongreso upang talakayin at pag-usapan.

 

Ipinaliwanag ni Chen Xi, Pangalawang Kalihim Heneral ng Kongreso, ang preliminaryong listahan ng mga mungkahing nominado para maging susunod na miyembro ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, at Ika-20 Sentral na Komisyon sa Inspeksyon ng Disiplina.

 

Isusumite ang naturang listahan sa lahat ng delegasyon para sa deliberasyon.

 

Napagdesisyunan din ng Presidium ang proseso ng halalan ng kongreso, na nauna nang natalakay ng mga delegasyon, at listahan ng mga pangalan upang maging mga ballot scrutineer at chief ballot scrutineer.

 

Isusumite ang listahang ito sa kongreso para sa pagpapatibay.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio