China-Laos Railway maganda ang ipinakikitang bunga ng pag-unlad ng proyekto

2022-10-20 17:01:35  CMG
Share with:

Idinaos gabi ng Oktubre 19, 2022, ng Press Centre ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang ika-apat na magkakasamang panayam.

 

Ika-apat na magkakasamang panayam ng Press Centre ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC/Xinhua


Dumalo sa panayam ang tagapagsalita ng mga delegasyon mula sa Chongqing, Sichuan, Guizhou, Yunnan, Tibet, Shaanxi at Gansu.

 

Ibinahagi nila ang kalagayan ng pagsusuri at talakayan ng mga delegasyon sa Ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at buong pagkakaisang ipinalalagay nilang kahanga-hanga ang blueprint sa ulat at maliwanag ang pamamaraan kaugnay nito, na lalo pang tumukoy ng direksyon para sa pag-unlad ng usapin ng CPC at Tsina.

 

Kaugnay ng isyung may kinalaman sa China-Laos Railway, sinabi ni Shi Yugang, Pangalawang Kalihim ng Komite ng CPC sa lalawigang Yunnan, ang China-Laos Railway ay landmark na proyekto ng dekalidad na magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road (BR) at flagship na proyekto rin ito ng may mutuwal na kapakinabangan ng kooperasyon ng Tsina at Laos.

 

Maganda ang ipinakikitang pag-unlad ng China-Laos Railway sa mga lugar sa kahabaan nito, at nakikita na ang epekto nito bilang modelong proyekto, sinabi pa ni Shi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac