Mga atleta sa Beijing Winter Olympics, pinarangalan sa Gawad ANOC 2022

2022-10-20 16:31:06  CMG
Share with:

Sa seremonya ng Association of National Olympic Committees (ANOC) na ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 19, 2022 sa Seoul, Timog Korea, pinarangalan ang mga pinakanamumukod na atleta sa Beijing 2022 Olympic Winter Games.

 

Binigyan ng parangal na Best Performing Female Athlete sa Beijing 2022 si Gu Ailing, freestyle skier ng delegasyong Tsino.

 

Samantala, tinanggap ng Chinese Olympic Committee ang gawad bilang namumukod na National Olympic Committee ng Beijing 2022.

 

Dumalo sa seremonya ang kinatawan mula sa mga National Olympic Committee ng 180 bansa’t rehiyon at kaukulang personahe ng palakasang Olimpiko.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac