Olympic Cup, iginawad ng IOC sa mga mamamayang Tsino

2022-02-20 13:59:55  CMG
Share with:

Olympic Cup, iginawad ng IOC sa mga mamamayang Tsino_fororder_20220220OlympicCup

Sa ika-139 na sesyon ng International Olympic Committee (IOC) na ginanap nitong Sabado, Pebrero 19, 2022 sa Beijing, iginawad ni IOC President Thomas Bach ang Olympic Cup sa mga mamamayang Tsino bilang pasasalamat sa kanilang ibinibigay na suporta sa Beijing 2022 Winter Olympics.

Ani Bach, kung walang suporta mula sa mga mamamayang Tsino, imposibleng matamo ng Beijing 2022 Winter Olympics ang kasiya-siyang tagumpay.

Bukod pa riyan, inilahad ng Beijing 2022 Organizing Committee at Juan Antonio Samaranch Jr., Chairman ng IOC Coordination Commission for Beijing 2022 ang pinal na ulat kaugnay ng Olimpiyada.

Inihayag din nila ang pasasalamat sa matagumpay na pagtataguyod ng Beijing ng 2022 Winter Olympics.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method