Great Hall of the People, Beijing - Sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ginanap kaninang umaga, Oktubre 21, 2022 ang ika-3 pulong ng presidium ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Pinagtibay sa pulong ang panukalang listahan ng mga nominado para sa mga miyembro at panghaliling miyembro ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, at miyembro ng Ika-20 Sentral na Komisyon sa Inspeksyon ng Disiplina.
Isusumite ang naturang panukalang listahan sa lahat ng delegasyon para sa deliberasyon.
Ang panukalang listahang ito ay preliminaryong naihalal ng iba’t ibang delegasyon, at mas marami kaysa aktuwal na posisyon ang bilang ng mga mungkahing nominado.
Ang buong proseso ng preliminaryong halalan ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ng presidium at superbisyon ng ballot scrutineer, at naging lehitimo’t may bisa ang resulta nito.
Gaganapin bukas ng umaga, Oktubre 22, ang pormal na halalan ng Pambansang Kongreso.
Salin: Vera
Pulido: Mac