Rebisadong Konstitusyon ng CPC, pinagtibay sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido

2022-10-22 18:54:29  CMG
Share with:

Bago magsara Oktubre 22, 2022 ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) pinagtibay ang rebisadong Konstitusyon ng partido.

 

Inilakip dito ang mga bagong bunga ng teorya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC tungkol sa ideya ng sosyalistang may katangiang Tsino sa makabagong panahon, na kanyang inilahad sapul noong Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Isinama rin ang paglilinaw sa mga estratehikong target sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, na kinabibilangan ng: kumpletong pagsasakatuparan ng sosyalistang modernisasyon sa 2035, at pagtatatag ng modernong sosyalistang Tsina sa taong 2049, na tinatawag ding ikalawang sandaang-taong target.

 

Bukod diyan, ipinasok din ang mga nilalaman tungkol sa pagpapasulong sa pag-ahon ng nasyong Tsino sa pamamagitan ng modernisasyong may istilong Tsino; pagpapaunlad ng buong prosesong demokrasyang bayan; pagsasagawa ng patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema; pagtutol at pagpigil sa “pagsasarili ng Taiwan;” at pagsisikap para sa pagbuo ng mundong may pangmatagalang kapayapaan, panlahat na katiwasayan, komong kasaganaan, pagbubukas, pagiging inklusibo, kalinisan, at kagandahan.

 

Kaugnay naman ng mga suliranin ng partido, inilakip din ang mga nilalaman tungkol sa pagpapalakas ng mga prinsipal at superbisadong responsibilidad sa pangangasiwa ng partido, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan