Isang liham na pambati ang ipinadala Miyerkules, Oktubre 26, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa taunang Gala Dinner ng National Committee on U.S.-China Relations.
Ipinahayag ni Xi ang kasiyahan sa pagtanggap ng “parangal ng gala” ni Evan Greenberg, Pangalawang Tagapangulo ng naturang komisyon at Chairman of the Board ng Chubb Limited at Chubb Group.
Hinangaan din niya ang sigasig ng komisyon at mga miyembro nito sa pagpapasulong sa relasyong Sino-Amerikano at pagpapalita’t pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.
Tinukoy ni Xi na bilang malalaking bansa, ang pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika ay makakabuti sa pagpapasulong ng katatagan at katiyakan ng daigdig, at mainam din sa kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Amerikano na magpunyagi, igalang ang isa’t isa, mapayapang makipamuhayan, hangarin ang win-win na kooperasyon, at hanapin ang tumpak na landas ng pakikipamuhayan sa makabagong panahon.
Ito aniya ay hindi lamang makakabuti sa dalawang bansa, kundi makakapaghatid din ng benepisyo sa buong mundo.
Umaasa rin siyang patuloy na patitingkarin ng nasabing komisyon at mga kaibigang sumusuporta sa relasyong Sino-Amerikano ang positibong papel, upang magbigay-tulong sa pagbalik ng relasyong ito sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang mensaheng pambati sa nasabing okasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio