MOFA, ipinagdiinang hindi hamon at banta ang Tsina

2022-10-27 12:14:37  CMG
Share with:

Sa kanilang pag-uusap kamakailan sa telepono, inihayag ni Pangulong Joe Biden ng Amerika at bagong Punong Ministro Rishi Sunak ng Britanya na magkasama nilang haharapin ang hamong dala ng Tsina.

 

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 26, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Tsina ay partner at pagkakataon para sa pag-unlad ng iba’t ibang bansa, sa halip na hamon at banta.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano na itakwil ang kaisipan ng zero-sum game, sundin ang agos ng panahon, at subukin ang pagtanggap ng bagong ideya na nagtatampok sa pagbubukas, pagbibigayan at win-win na kooperasyon, upang maisakatuparan ang mas maraming aktuwal na ambag sa pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio