Kalakalan ng Tsina at ASEAN, may malakas na pleksibilidad at napakalaking potensyal

2022-10-28 16:30:04  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Oktubre 27, 2022, sa preskon, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na mula noong Enero hanggang Setyembre, 2022, umabot sa 4.7 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na lumaki ng 15.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, at tumaas sa 15.2% ang proporsyon nito sa kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.

 

Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakaraang 13 taon, at matatag ang puwesto ng ASEAN bilang pinakamalaking trade partner ng Tsina.

 

Sinabi rin ni Shu na ang 2022 ay taon ng pagsisimula ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at ito rin ang kauna-unahang taon ng opisyal na pagkakaroon ng bisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para aktuwal na pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig, at dekalidad na isakatuparan ang RCEP.

 

Pinapanatili ng paglaki ng bilateral na kalakalan ang mainam na tunguhin, at ipinakita din nito ang malakas na pleksibilidad at napakalaking potensyal, saad ni Shu.


Salin:Sarah

Pulido:Mac