Tsina't ASEAN, magkasamang tutungo sa modernisasyon

2022-10-27 16:23:47  CMG
Share with:

Oktubre 26, 2022, Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga diplomata ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina, isinalaysay ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kalahagahan at dakilang bunga ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 


Sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at sa patnubay ng kanyang kaisipan hinggil sa Sosyalismong may Katangiang Tsino sa Bagong Panahaon, tiyak aniyang maisasakatuparan ang mga estratehiya at target na itinakdang sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Sinabi pa niyang ang modernisasyong may istilong Tsino ay magdudulot ng mahalagang pagkakataon at benepisyo para sa iba’t ibang bansa ng daigdig.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa ng ASEAN, para tumahak sa landas ng modernisasyon, saad ni Wang.

 

Mainit namang binati ng mga diplomata ng mga bansang ASEAN ang tagumpay ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Umaasa silang masasamantala ang bagong pagkakataong dulot ng modernisasyong may istilong Tsino, para mapasulong ang pagsasakatuparan ng mutwal na kapakinabangan sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio