Manufacturing sector ng Tsina, matatag pa rin

2022-10-31 16:35:01  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Oktubre 31, 2022, ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina at China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP), umabot sa 49.2% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng Tsina noong Oktubre, 2022.

 

Dagdag ng estadistika, 11 sa 21 industriyang tumanggap ng pagsusuri ay nasa saklaw pa rin ng ekspansyon.

 

Matatag pa rin sa kabuuan ang industriya ng manupaktura ng Tsina, at malakas din ang kompiyansa ng mga kompanya sa pag-unlad ng pamilihan, saad pa ng NBS at CFLP..

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio