Ika-21 Pulong ng Konseho ng mga Pinuno ng Pamahalaan ng mga Miyembrong bansa ng SCO, idaraos

2022-11-01 13:51:24  CMG
Share with:

 Sinabi nitong Oktubre 31, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, idaraos sa Nobyembre 1, 2022, ang Ika-21 Pulong ng Konseho ng mga Pinuno ng Pamahalaan ng Miyembrong Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), sa pamamagitan ng video link.

 

Mangungulo si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa naturang pulong sa Beijing.


Si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina (file photo)


Lalahok sa pulong ang mga miyembro ng SCO, pinuno at kinatawan ng pamahalaan ng mga bansang tagamasid, mga kinatawan mula sa permanenteng organo ng SCO, Komite ng Entrepreneurs at SCO Interbank Consortium ng SCO, at ibang organisasyong pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac