Magkakasamang pagsisikap para harapin ang mga hamon at idulot ang benepisyo para sa mga mamamayan, isusulong ng SCO

2022-11-02 16:36:29  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, pinanguluhan Nobyembre 1, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang Ika-21 Pulong ng Konseho ng mga Pinuno ng Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 


Ipinahayag ni Li na sa Samarkand Summit na idinaos noong Setyembre 2022, narating ng SCO ang bagong komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng pag-unlad.

 

Iniharap din aniya rito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng magkakasamang pagtatayo ng mapayapa, matatag, masagana at magandang tahanan.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapalitang pangkaibigan, at patingkarin ang “Diwa ng Shanghai,” para idulot ang benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, dagdag ni Li.

 

Inilahad din ni Premyer Li ang 5 mungkahi na kinabibilangan ng: una, pagpapalalim ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas, pangangalaga ng kaligtasan at katatagan, at paglikha ng mainam na kapaligiran ng pag-unlad; ikalawa, pagpapataas ng lebel ng ginhawa sa kalakalan at pamumuhunan, at pagpapasulong sa pagbangon ng rehiyonal na kabuhayan; ikatlo, pagpapalakas ng koneksyon, magkakasamang pagsasakatuparan ng rehiyonal na pag-unlad, at pangangalaga sa pleksibilidad at katatagan ng industrial chain; ikaapat, pagpapataas sa lebel ng garantiya ng suplay ng pagkain-butil at enerhiya, para isulong ang sustenableng pag-unlad; at ikalima, pagpapahigpit ng pagpapalitang kultural.

 

Positibo namang pinahahalagahan ng mga kalahok na panig ang bunga ng kooperasyon ng SCO sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag nila ang kahandaan para sa magkakasamang pagpapabuti ng mekanismong pangkooperasyon, at pagpapaunlad ng potensyal ng kooperasyon, para magkakasamang harapin ang mga hamong tulad ng kakulangan sa pagkain-butil, kaligtasan ng enerhiya, pagbabago ng klima at iba pa.

 

Layon anila nitong magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio