Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, nagkaloob ng karanasan sa Laos – PM ng Laos

2022-11-02 16:38:57  CMG
Share with:

Ipinahayag Oktubre 31, 2022, ni Phankham Viphavanh, Punong Ministro ng Laos, na ipinagkaloob ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mabuting karanasan na maaaring pag-aralan ng Laos sa pagtahak nito sa landas ng sosyalismo.

 

Ito rin aniya ay malakas na panghikayat sa Laos tungo sa pagpapasulong ng usaping sosyalista.

 

Aniya, nakahanda ang Lao People's Revolutionary Party (LPRP) na patuloy na magsikap, kasama ng CPC at mga mamamayang Tsino, para patuloy na palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigang Lao-Sino upang mapasulong ang komprehensibong estratehikong kooperasyon ng dalawang panig, na magdudulot ng mas mabuting pakinabang sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Nang araw ring iyon, magkasamang ipinagdiwang ng CPC at LPRP sa Vientiane, kabisera ng Laos ang matagumpay na pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Salin:Sarah

Pulid:Rhio