Li Keqiang at Muhammad Shahbaz Sharif, nagtagpo

2022-11-03 11:30:50  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon, Nobyembre 2, 2022 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Muhammad Shahbaz Sharif ng Pakistan.


Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob ang mga gamit panaklolo sa Pakistan para sa rekonstruksyon ng mga apektadong lugar pagkatapos ng kalamidad ng baha at pagpapataas ng kakayahan nito sa emergency response.


Sinabi pa ni Li na nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Pakistan, ang mga aktuwal na kooperasyon sa puwerto, transportasyon, enerhiya, industriya at lipunan.

Pinasalamatan ni Shahbaz Sharif ang tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanyang bansa at mga gawaing rekonstruksyon ng apektadong lugar ng baha.


Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ng panig Tsino, ang mga kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura, at malinis na enerhiya.


Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.


Pagkatapos ng pagtagpo, sumaksi sina Li at Shahbaz Sharif sa paglagda sa mga kasunduan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan ng dalawang bansa na may kinalaman sa kabuhayan, negosyo, pamumuhunan, digital economy, kultura, pagpapatupad sa batas at seguridad.


Salin: Ernest

Pulido: Mac