Inisyu ngayong Biyernes, Nobyembre 4, 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa BeiDou Navigation Satellite System (BDS) ng bansa sa makabagong panahon.
Mababasa sa dokumentong ito ang mga natamong tagumpay at ekspektasyon sa pag-unlad ng BDS ng Tsina, at ibinahagi ang ideya at karanasan ng bansa sa larangang ito.
Tinukoy ng white paper na ang BDS ay navigation satellite system na may inisyatibang itinatag at nagsasariling pinapatakbo ng Tsina, batay sa pangangailangan ng pambansang seguridad at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan. Pagkatapos ng ilang taong pagdedebelop, nagsilbi itong mahalagang bagong imprastruktura na nagkakaloob ng high-accuracy, round-the-clock positioning, navigation at timing services sa mga user sa buong mundo.
Anang dokumento, sa hinaharap, itatatag ng Tsina ang mas modernong BDS na may mas komprehensibong punksyon at mas de-kalidad na serbisyo, upang maghatid ng kabiyayaan sa pamumuhay ng mga mamamayan, at maglingkod sa kaunlaran at progreso ng sangkatauhan.
Diin ng white paper, nakahanda ang Tsina na ibahagi sa iba’t ibang bansa ang bunga ng pag-unlad ng BDS, magkasamang pasulungin ang masiglang pag-unlad ng usapin ng global navigation satellite, at gawin ang bagong ambag para sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan at pagtatatag ng mas magandang daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac