Pag-upgrade sa BeiDou Navigation Satellite System, isinasagawa

2022-08-01 17:53:42  CMG
Share with:

Para mas mabuting makapaglingkod sa daigdig, inihayag kamakailan ng Xi'an Satellite Monitor and Control Center ng Tsina, na isinasagawa ang malawakang software upgrade sa BeiDou Navigation Satellite System (BDS), at ito ay nakatakdang matapos sa loob ng darating na tatlong buwan.

 

Anito, tuluy-tuloy na isinasagawa ng Tsina ang pag-a-upgrade sa BDS, para magbigay ng mas magandang serbisyo sa mga kliyente sa buong daigdig, sa pamamagitan ng pinapabuting sistema at mga kalamangan sa aspektong teknolohikal.

 

Isina-operasyon noong Hulyo 31, 2020, ang BDS ay sariling idinebelop at ginawa ng Tsina.

 

Ito ngayon ay may 45 satellite sa orbita.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan