Pormal na naisaoperasyon noong Hulyo 31, 2020 ng Tsina ang BeiDou-3 Navigation Satellite System (BDS) na kasalukuyang ginagamit sa mahigit kalahati ng lahat ng bansa’t rehiyon sa buong daigdig.
Modelo ng BDS
Ano ang kayang gawin ng BDS?
Sa kasalukuyan, ang BDS ay mayroong 45 umaaktong satellite na magkakasanib na nagkakaloob ng mga serbisyo.
Ang BDS ay nagbibigay ng patnubay sa posisyon, Global Short Message Communication (GSMC), at international rescue sa buong mundo.
Para sa rehiyong Asya-Pasipiko, ipinagkakaloob ng BDS ang mga serbisyong kinabibilangan ng foundation reinforcement, precise point positioning, at Regional Short Message Communication (RSMC).
BDS sa Tsina
Unti-unting nagiging mahalaga ang BDS sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino.
Sa aspekto ng industriya, komprehensibong nakapaglilingkod ang BDS sa komunikasyon at transportasyon, pampublikong seguridad, disaster relief work, agrikultura at pangingisda.
Lalong lalo na, sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), tinutulungan ng BDS ang napakabisang paghahatid ng mga materiyal na laban sa sakit na ito.
mart delivery robot na nakabase sa BDS
BDS sa mga bansang Asyano at Aprikano
Palagiang iginigiit ng Tsina ang pagbubukas ng BDS sa buong daigdig.
Ipinangako ng pamahalaang Tsino na libre nitong ipagkakalob ang pundamental na serbisyo ng nabigasyon sa mga gumagamit ng abiyasyong sibil ng buong daigdig.
Bukod pa riyan, ang mga kalutasang nakabase sa BDS na gaya ng pagtiyak ng karapatan ng pagmamay-ari ng lupa, eksaktong agrikultura, at matalinong puwerto, ay pakinabang para sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Timog Asya, Silangang Europa, Kanlurang Asya, at Aprika.
Ang mga ito ay nakakapagpasulong sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at lipunan.
Ginagamit ngayon ang mga produkto ng BDS sa mahigit kalahati ng lahat ng bansa’t rehiyon sa buong mundo.
Sa Myanmar
Noong taong 2013, ginamit ng Myanmar ang mahigit 500 high precision Beidou terminal sa agrikultura.
Ito ang unang pagkakataong malawakang ginamit ng isang bansang Timog Silangang Asyano ang produktong Beidou sa agrikultura.
Ginagamit ng Myanmar ang awditibo ng Beidou sa pagkolekta ng datos na agrikultural.
Sa Laos
Ipinagkakaloob ng BDS ang mga batayan at siyentipikong pundasyon sa Laos sa mga larangang gaya ng pagsisiyasat ng cadastre, pamamahala sa lupa, at pagbalangkas ng mga kaukulang batas at regulasyon.
Ginagamit ang awditibo ng Beidou sa pagtiyak ng karapatan ng pagmamay-ari ng mga lupa sa Laos.
Sa Cambodia
Ipinagkakaloob ng BDS ang mas kumpletong impormasyon sa kaukulang departamentong Kambodyano sa komprehensibong pagpaplano, pagsasa-ayos at pagmomonitor sa pambansang lupain, konstruksyon ng imprastruktura, pagmomonitor sa kapaligirang ekolohikal, at iba pang larangan.
Ginagamit ng Cambodia ang awditibo ng Beidou sa unmanned aerial vehicle (UAV).
Sa Thailand
Ipinagkakaloob ng BDS ang eksaktong serbisyo ng nabigasyon sa mga iniluluwas na kalakal ng Thailand, bagay na naggagarantiya ng maalwang operasyon ng kalakalang Sino-Thai.
Malawakang ginagamit ang BDS sa Thailand Post at e-commerce.
Sa Kuwait
Noong 2015, ginamit ang awditibong nakabase sa BDS sa konstruksyon ng punong himpilan ng National Bank of Kuwait (NBK) na may taas ng 300 metro.
Ito ang unang pagkakataon na ginamit ang produkto ng Beidou sa pagmomonitor sa mataas na gusali sa ibayong dagat.
Ginagamit ang awditibo ng Beidou sa pagtatayo ng punong himpilan ng NBK.
Sa Zambia
Ang Wideway ay isang kompanya ng Zambia na nagsasagawa ng transportasyon ng sulphuric acid.
Para sa mahigpit na pagkontrol sa panganib mula sa transportasyon ng hazardous article, ginagamit ng kompayang ito ang produktong Beidou upang maisagawa ang actual time tracking at monitor sa kalagayan ng sasakyan, tsuper, at inihahatid na mapanganib na bagay.
Pangangalaga sa mga maiilap na hayop sa Aprika
Sa pamamagitan ng Beidou tracking collar, puwedeng isagawa ang paghahanap at pananaliksik sa mga galaw at pampamumuhay ng Manchurian Tiger.
Sa pangangalaga sa mga maiilap na hayop sa Aprika, gagamitin ang produktong Beidou sa hinaharap.
Salin: Lito
Pulido: Rhio