Xi Jinping: Tsina, magkakaloob ng mga bagong pagkakataon para sa daigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad

2022-11-04 23:14:21  CMG
Share with:

 

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong gabi, Nobyembre 4, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-5 China International Import Expo (CIIE).

 

Tinukoy ni Xi, na limang taon na ang nakararaan, iniharap niya ang ideya ng pagdaraos ng CIIE, bilang hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas, para ang malaking pamilihang Tsino ay maging malaking pagkakataon para sa daigdig.

 

Aniya, sa kasalukuyan, ang CIIE ay naging halimbawa ng pagbuo ng Tsina ng bagong modelo ng pag-unlad, naging plataporma ng pagpapasulong ng pagbubukas sa mas mataas na antas, at naging kabutihang pampubliko na pinagbabahaginan ng buong mundo.

 

Dagdag ni Xi, na sa katatapos na Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, binigyang-diin ang paggigiit sa pagbubukas bilang pundamental na patakarang pang-estado, pagsasagawa ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan, pagpapasulong sa globalisasyong pangkabuhayan, pagpapalakas ng sabay-sabay na papel ng dalawang pamilihan at dalawang uri ng yaman sa loob at labas ng bansa, pagkakaloob ng mga bagong pagkakataon para sa daigdig sa pamamagitan ng bagong pag-unlad ng Tsina, at pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.

 

Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, na isagawa ang tunay na multilateralismo, dagdagan ang komong palagay sa pagbubukas, pagtagumpayan ang mga kahirapan at hamon sa kabuhayang pandaigdig, at gawing mas malinaw ang prospek ng pag-unlad ng daigdig sa pamamagitan ng pagbubukas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos