Tsina, matapat na kaibigan at maaasahang partner ng mga umuunlad na bansa

2022-11-04 16:55:17  CMG
Share with:

Ayon sa isang poll kamakailan ng kompanyang YouGov ng Britanya, mas gusto ang Tsina ng mamamayan ng mga bansang Aprikano nitong nakaraang ilang taon. Ayon sa respondents, ipinalalagay ng 83% sa Nigeria, 82% sa Kenya, 61% sa South Aftica at 57% sa Egypt na ang Tsina ay gumaganap ng positibong papel sa mga suliraning pandaigdig na lumaki ng 10 porsyento kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Nobyembre 3, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay isang magandang modelo ng kooperasyon ng Tsina at mga umuunlad na bansa. Lubos na ipinakita ng Tsina, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, na ang Tsina ay matapat na kaibigan at maasahang partner ng mga umuunlad na bansa.

 

Sinabi din ni Zhao na ang poll ay nagpakita muli na ang kooperasyong Tsino-Aprikano ay nagdulot ng tunay na benepisyo para sa mga mamamayan ng mga bansang Aprikano.

 

Buong tatag na magsisikap ang Tsina, kasama ng mga bansang Aprikano, para magkakasamang isakatuparan ang komong kasaganaan, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac