Mga pangulo ng Tsina at Uganda, nagpalitan ng pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2022-10-18 15:11:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Uganda, nagpalitan ngayong Martes, Oktubre 18, 2022 ng pagbati ang mga pangulo ng bansa na sina Xi Jinping ng Tsina at Yoweri Museveni ng Uganda.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, naitatag ng dalawang bansa ang komprehensibo’t kooperatibong partnership, tumitibay ang pagtitiwalaang pulitikal, at tuluy-tuloy na lumalalim ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Samantala, buong tatag na sinusuportahan ng kapuwa panig ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa’t isa, at mahigpit ang koordinasyon nila sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

 

Saad ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Ugandan, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Museveni, para palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan sa loob ng mga balangkas ng Belt and Road at Forum on China-Africa Cooperation, ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at magkakapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika sa bagong panahon.

 

Inihayag naman ni Museveni na nitong nakalipas na 6 na dekada, nananatiling masigla ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

Patuloy na magpupunyagi ang Uganda para sa pagpapasulong sa pag-unlad ng bilateral na relasyon, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac