CMG Komentaryo: Sing tibay ng bakal ang pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan

2022-11-04 16:56:46  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Nobyembre 2, 2022, kay Muhammad Shahbaz Sharif, dumadalaw na Punong Ministro ng Pakistan sa Tsina, pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang napakatibay na pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan, at ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pakistan, para pataasin ang lebel ng pangkalahatang estratehikong kooperasyon, pabilisin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Pakistan sa bagong panahon, at likhain ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa pangkalahatang estratehikong partnership ng Tsina at Pakistan.

 

Ipinahayag ni Shahbaz na ang pagpapalalim ng naturang partnership ay pundasyon ng patakarang panlabas ng Pakistan, ito rin ay komong palagay ng iba’t ibang sirkulo ng lipunan ng Pakistan.

 

Ang naturang pagtatagpo ay lubos na nagpakita ng tradisyonal na pagkakaibigan, estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa, at malawak na komong palagay ng Tsina at Pakistan, na itinakda din ang maliwanag na blue print para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pakistan sa bagong panahon.

 


Si PM Muhammad Shahbaz Sharif ay isa sa unang batch na lider na dayuhan na inanyayahang dumalaw sa Tsina pagkatapos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, binigyan-diin na dapat pasulungin ang dekalidad na pag-unlad ng “Belt and Road (BR).” Sa kasalukuyuan, lumampas ng 2.5 milyong US$ ang puhunan sa China-Pakistan Economic Corridor (CPEC), na lumikha ng 150 libong trabaho para sa Pakistan.

 

Sa pagtatagpo, ipinahayag din ni Shahbaz ang buong lakas na suporta sa Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ginawa ng Tsina ang Pakistan bilang priyoridad ng partner ng GDI. Ito ay magdudulot ng positibong enerhiya para sa kasaganaan at katatagan ng Timog Asya, at kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig, at magkakaloob din ito ng malakas na paggarantiya para sa pag-unlad ng Tsina at Pakistan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac