White paper na “Magkakasamang Pagtatayo ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Cyberspace,” inilabas ng Tsina

2022-11-07 16:51:34  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Nobyembre 7, 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Magkakasamang Pagtatayo ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Cyberspace.”

 

Nakapaloob dito ang ideya at gawain ng Tsina sa pagpapaunlad at pagsasa-ayos ng Internet sa bagong panahon, positibong bungang natamo ng bansa sa pagpapasulong ng pagtatayo ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Cyberspace, at pag-asa at prospek sa pandaigdigang kooperasyon sa cyberspace.

 

Tinukoy din ng white paper na ang Internet ay komong tahanan ng buong sangkatauhan, at ang Internet na mas masagana, mas malinis, at mas ligtas ay komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig para magkakasamang itayo ang mas pantay, mas makatuwiran, mas makatarungan, bukas, pleksible, matatag at masiglang cyberspace, dagdag ng white paper.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio