Tsina sa G7: itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa

2022-11-08 16:17:04  CMG
Share with:

Bilang tugon sa magkasanib na pahayag na inilabas kamakailan ng mga ministrong panlabas ng Group of 7 (G7), ipinahayag Nobyembre 7, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at maliwanag ang paninindigan ng bansa sa mga isyung may kinalaman ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), Xinjiang, at Taiwan.


Aniya, ang nasabing pahayag ay pagwawalang-bahala sa solemnang paninindigan ng Tsina, nagbabaluktot sa obdiyektibong katotohanan, at nakiki-alam sa mga suliraning panloob at dumudungis sa reputasyon ng Tsina, diin ni Zhao.


 

Ito’y mahigipit na kinokondena at matinding tinututulan ng Tsina.

 

Tinukoy pa ni Zhao na isinasakatuparan ng Tsina ang totoong multilateralismo, at palagian itong nagsisikap para isulong ng komunidad ng daigdig ang magkakasamang pagharap sa mga hamon, at itayo ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Hinimok ni Zhao ang G7 na itakwil ang ideya ng Cold War at ideolohiya ng pagkiling, itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at likhain ang mabuting kondisyon para sa kooperasyong pandiagdig.

 

Salin:Sarah 

Pulido:Rhio