Kalakalang panlabas ng Tsina, nananatiling matatag

2022-11-08 16:01:27  CMG
Share with:

Inilabas Lunes, Nobyembre 7, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina ang mga datos sa pag-aangkat at pagluluwas ng bansa noong unang 10 buwan ng taong ito, at ayon dito, nananatiling matatag ang kalakalang panlabas ng bansa.

 

Sa unang 10 buwan ng 2022, umabot sa 34.62 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina, na lumaki ng 9.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kabilang dito, 19.71 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas, at ito ay lumago ng 13%.

 

Samantala, 14.91 trilyong yuan RMB naman ang pag-aangkat, na lumaki ng 5.2%.

 

Bukod pa riyan, magkakahiwalay na lumaki ng 15.8%, 8.1%, 6.8%, at 6.5% ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), Amerika at Timog Korea, ayon sa pagkakasunud-sunod.

 

Nananatiling pinakamalaking trade partner pa rin ng Tsina ang ASEAN.

 

Lumaki rin ng 20.9% ang kalakalan ng Tsina sa mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative; at tumaas ng 8.4% ang kalakalan ng Tsina sa iba pang 14 na kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio