Sa kanyang mensaheng pambati Nobyembre 7, 2022 sa Ika-25 Anibersaryo ng International Bamboo and Rattan Organization (INBAR) at Ika-2 Global Bamboo and Rattan Congress, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na palagiang nagsisikap ang INBAR para maisulong ang paggamit ng kawayan at rattan.
Ito ay gumaganap ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ng buong mundo at sustenableng pag-unlad, diin niya.
Sinabi pa niyang magsisikap ang Tsina, kasama ng INBAR, para isakatuparan ang Global Development Initiative, at isulong ang kawayan bilang pamalit sa plastik.
Ito ay upang mai-promote sa iba’t ibang bansa ang ideya ng pagbabawas ng polusyong dala ng plastik, harapin ang pagbabago ng klima, at pabilisin ang pagsasakatuparan ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development, saad ni Xi.
Maliban diyan, buong-lakas din aniyang pinapasulong ng Tsina ang konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon, at aktibong isinasakatuparan ang maharmonyang pamumuhay ng sangkatauhan at kalikasan.
Dagdag ni Xi, nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng iba’t ibang panig, para itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan, upang magkakasamang makamtan ang malinis at magandang tahanan para sa darating na henerasyon.
Binuksan Nobyembre 7, 2022 sa Beijing, ang pagdiriwang ng Ika-25 Anibersaryo ng INBAR at Ikalawang Global Bamboo and Rattan Congress ay may temang “Bamboo and Rattan - Nature-based Solutions for Sustainable Development.”
Ang aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng National Forestry and Grassland Administration ng Tsina at INBAR.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio