Sa kanyang artikulo na ipinalabas kamakailan, ipinahayag ni Josep Borrell, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) sa mga Usaping Panlabas at Patakarang Panseguridad, na ang Tsina ay masusing ekonomikong partner, kakompetensya at sistematikong karibal ng EU.
Sinabi pa niyang dapat palakasin ng EU ang sariling pleksibilidad.
Pananatilihin aniya ng EU ang pakikipagpalitan sa mga katuwang nito tungkol sa Tsina sa pamamagitan ng platapormang G7.
Nakahanda ang EU na panatilihin ang komunikasyon sa Tsina sa isyu ng karapatang pantao, dagdag ni Borrell.
Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 8, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inaasahan ng kanyang bansang obdyektibo at makatuwirang titingnan ng EU ang Ugnayang Sino-Europeo.
Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina kasama ng EU, para pangalagaan ang bilateral na relasyong nakapokus sa diyalogo at kooperasyon, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, at pagtutulungan para harapin ang mga hamong pandaigdig.
Ito ay hindi lamang makakabuti sa Tsina at EU, kundi mainam din sa buong daigdig, dagdag ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio