Kaugnay ng pagsasa-operasyon kamakailan ng New Wami Bridge sa Tanzania, ipinahayag Nobyembre 8, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang masusing estratehikong proyekto ng Tanzania, ang naturang tulay ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng pag-unlad ng iba’t ibang rehiyon at pagpapalaki ng kabuhayan ng bansa, at iba pa.
Aniya pa, sapul nang itatag ang Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, umabot na sa mahigit 10 libong kilometrong daambakal ang naitayo ng Tsina sa Aprika.
Bukod pa riyan, itinatag din aniya ng Tsina sa ibat ibang lugar ng kontinente ang halos 100 libong kilometro ng lansangan, halos 1,000 tulay, mga 100 puwerto, at maraming ospital at paaralan.
Ani Zhao, patuloy na isasagawa ng Tsina ang aktuwal na pakikipagkooperasyon sa Aprika sa iba’t ibang larangan, para lalo pang mapabuti ang benepisyo ng mga mamamayang Aprikano, at mapasigla ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Aprika sa makabagong panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio