Blue paper sa pag-unlad ng Internet ng Tsina at daigdig, inilabas sa WIC Wuzhen Summit

2022-11-10 15:46:07  CMG
Share with:


Inilabas Miyerkules, Nobyembre 9, 2022 sa World Internet Conference (WIC) Wuzhen Summit sa lalawigang Zhejiang, Tsina ang dalawang blue paper hinggil sa pag-unlad ng Internet ng Tsina at daigdig.

 

Sistematikong ipinakikita ng mga blue paper ang pag-unlad ng Internet ng Tsina at daigdig noong nakaraang taon, at pinag-ukulan ng pansin ang mga bagong progreso, tagumpay at tunguhin ng pag-unlad ng Internet.

 

Anang blue paper hinggil sa Tsina, napakabilis umunlad ng digital economy ng bansa, at ang imprastruktura ng network nito ay ang namumuno sa daigdig.

 

Tinasa naman ng blue paper hinggil sa Internet ng daigdig ang network ng 48 bansa’t rehiyon sa mga aspektong gaya ng imprastruktura, kakayahan sa inobasyon, pag-unlad ng industriya, aplikasyon ng Internet, cyber security, at Internet governance.

 

Inilista nito ang 10 nangungunang bansa sa daigdig sa kasalukuyang taon, na kinabibilangan ng Amerika, Tsina, Alemanya, Sweden, Netherlands, Timog Korea, Britanya, Kanada, Finland at Denmark.

 

Ito ang ika-6 na beses nang pagpapalabas ng taunang blue paper sapul noong 2017.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio