Xi Jinping, nagpadala ng pagbati sa 2022 World Internet Conference Wuzhen Summit

2022-11-09 15:56:13  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala ngayong araw, Nobyembre 9, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ng 2022 World Internet Conference Wuzhen Summit, sa lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng bansa.

 

Tinukoy niyang bilang namumunong puwersa sa rebolusyong pansiyensiya’t panteknolohiya at transpormasyon ng industriya ng daigdig, ang digital technology ay unti-unting humahalo sa iba’t ibang larangan at proseso ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at malaliman nitong binabago ang pamamaraan ng produksyon, pamumuhay at pangangasiwa sa lipunan.

 

Aniya, sa harap ng mga pagkakataon at hamong dulot ng digitalization, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang diyalogo at pagpapalitan, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at magkakapit-bisig na buuin ang mas makatarungan, makatuwiran, bukas, inklusibo, ligtas, matatag at masiglang cyber space.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio