Tsina at komunidad ng daigdig, patuloy na nagsisikap sa pagharap sa pagbabago ng klima

2022-11-10 17:16:01  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakailan na kinomisyon ng Ika-26 at Ika-27 Conference of the Parties (COP26 at COP27) to the United Nations Framework Convention on Climate Change, dapat ilaan ang USD$2 trilyon bawat taon para suportahan ang mga umuunlad na bansa sa pagpigil at pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 9, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na hamon ang dulot ng pagbabago ng klima, at ang mga umuunlad na bansa ang pinakamalubhang apektado ng isyung ito.

 


Sa kabilang dako, natamo aniya ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sapul nang ipalabas ang target ng carbon peak emission at carbon neutrality.

 

Noong 2012 hanggang 2021, lumiit ng mga 34% ang carbon dioxide emission per unit of GDP, at bumaba rin ng 26.4% ang paggamit ng enerhiya sa Tsina, dagdag niya

 

Kasama ng iba’t ibang bansa, patuloy aniyang magsisikap ang Tsina, sa aktibong pakikisangkot sa pagsasaayos ng pagbabago ng klima ng buong mundo, upang magkakasamang maharap at masolusyunan ang mga hamon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio