Order para sa 300 C919 jetliner, nakuha sa Airshow China 2022

2022-11-10 15:30:33  CMG
Share with:

Nilagdaan Nobyembre 8, 2022 sa Airshow China 2022 sa Zhuhai ng Commercial Aircraft Corporation of China (COMAC) at 7 iba pang kompanya ang kasunduan sa pag-order ng 300 C919 jetliner at 30 ARJ21 jetliner.

 

Ito ang pinakamaraming order na nilagdaan ng COMAC sapul nang ito’y maitatag.

 


Ang C919 ay ang kauna-unahang malaking pampasaherong eroplano na sariling-gawa ng Tsina.

 

Ito’y may kapasidad na 192 katao, at may 5,555 kilometrong maximum range.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio