Tianzhou-5 cargo spacecraft, inilunsad at idinaong sa space station ng Tsina

2022-11-12 12:55:11  CMG
Share with:

 

Matagumpay na inilunsad ngayong araw, Nobyembre 12, 2022, ng Tsina ang Tianzhou-5 cargo spacecraft. Dumaong na ito sa itinatayong space station ng bansa, para ihatid ang mga suplay.

 

Ayon sa ulat, ang naturang pagdaong ay isinagawa at natapos sa loob ng dalawang oras, pagkaraang ilunsad ang Tianzhou-5. Ito ay naging pinakamabilis na ganitong operasyong isinagawa ng iba’t ibang bansa ng daigdig.

 

Ang Tianzhou-5 ay may lulang anim na buwang suplay para sa tatlong taikonaut ng Shenzhou-15 spacecraft na ilulunsad sa hinaharap, mga propellant, mga kagamitan para sa eksperimento, at ibang mga bagay.

 

Samantala, ayon sa iskedyul, matatapos ang in-orbit na konstruksyon ng space station ng Tsina bago ang katapusan ng taong ito.


Editor: Liu Kai