Inihayag ng China Manned Space Agency (CMSA), na dinala Miyerkules, Nobyembre 9, 2022 sa sona ng paglulunsad sa Wenchang Spacecraft Launch Site, lalawigang Hainan sa timog Tsina ang isang Long March-7 rocket na naglululan sa Tianzhou-5 cargo ship.
Nasa maayos na kondisyon ang mga pasilidad sa lunsaran, ayon pa sa CMSA.
Matapos isagawa ang mga pagsusuri sa iba’t ibang pungsyon at pinal na pagsubok, ilulunsad ang rocket sa angkop na panahon sa malapit na hinaharap.
Ang Tianzhou-5 cargo ship ay may dalang mga pangunahing aytem para sa pang-araw-araw na pamumuhay at trabaho ng mga tripulante ng Shenzhou-15 sa Space Station ng Tsina.
Kabilang dito ay ang mga espesyal na pakete para sa Spring Festival, at mga regalo para sa mga taikonaut ng Shenzhou-14 na nakakatalaga ngayon sa kalawakan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Kamangha-manghang sandali sa paglulunsad ng Mengtian lab module
Estudyante ng Pilipinas at ASEAN, nakipag-usap sa mga taikonaut sa kalawakan
Docking ng Mengtian lab module at Tiangong space station, matagumpay
CMG Komentaryo: Space station ng Tsina, magiging “space family” ng buong sangkatauhan
Mengtian lab module ng space station ng Tsina, handa na sa paglulunsad