Isang online na diyalogo ang idinaos Nobyembre 1, 2022 sa pagitan ng halos isang libong estudyante ng Tsina, Pilipinas, at iba pang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga taikonaut ng Shenzhou-14 na nasa kalawakan.
Sa talakayan, sinagot ng tatlong taikonaut na sina Chen Dong, Liu Yang at Cai Xuzhe ang tanong ng mga estudyante.
Taikonaut na sina Chen Dong, Liu Yang at Cai Xuzhe
Samantala, ipinahayag ni Unang Ginang Liza Marcos na mahalaga ang pagsasagawa ng diyalogo sa pagitan ng mga estudyanteng Pilipino at taikonaut ng Shenzhou-14, dahil ito ay nagpapasigla ng interes ng mga batang Pilipino upang galugarin ang mga larangang may kinalaman sa kalawakan.
Unang Ginang Liza Marcos
Ikinagalak naman ni Gay Jane P. Perez, Pangalawang Puno ng Philippine Space Agency, ang paglahok ng mga batang Pilipino, kasama ang iba pang mga bata mula sa Tsina at ASEAN sa nasabing online dialogue.
Umaasa aniya siyang idudulot ng usaping pangkalawakan ang sustenableng pag-unlad ng buong daigdig at maunlad na pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang kalawakan ay komong pag-aari ng buong sangkatauhan, at ang paggagalugad, pagdedebelop at mapayapang paggamit ng kalawakan ay komong hangarin ng buong sangkatauhan.
Ang naturang diyalogo ay pangunahing ginanap sa Beijing, pero naglagay rin ng mga sub-venue sa mga bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, Thailand, Myanmar at Biyetnam.
Kabilang sa mga dumalo sa sub-venue sa Pilipinas ay mga dalubhasa sa larangan ng kalawakan, at halos isandaang estudyante’t guro ng mga pamantasan at kolehiyo ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Space station ng Tsina, magiging “space family” ng buong sangkatauhan
2022 CIIE, muling lalahukan ng Pilipinas; kape at mangga ibibida
Unang pangkat ng tulong na materyal, ipinagkaloob ng Tsina sa mga binagyong lugar ng Pilipinas
Bagyong Paeng, ikinamatay ng 45 katao sa Pilipinas; Embahadang Tsino, handang tumulong